Saturday, 2 July 2016

Duterte Tinupad ang Pangako sa mga taga Tondo

Tinupad ni Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte ang pangako niya sa taga Tondo na babalik sya upang sila ay pasalamatan pagkatapos niyang manumpa sa pagka-pangulo nong Huwebes, Hunyo 30.


Nakakuha si Duterte ng 320,000 votes galing sa Maynila kung saan 115,000 votes ay galing naman sa mga taga-Tondo.


“Ayaw ko kayong biguin at ako naman hindi mahilig diyan sa promise-promise. Pag nagbitaw ako ng salita, ‘yun na ‘yun,” ani Duterte.


Dumalaw si Duterte sa Tondo upang mamahagi ng food packs sa ginanap na solidarity dinner matapos siyang manumpa bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas.


Nasabi din ni Duterte na “Maski saan mo bilangin, maski dito sa Tondo, wala ako ni isang lider kundi kayo. Kayo mismo ang tumanggap sa akin”.


Nasabi din ni Duterte na maaaring pumasok sa Palasyo ng Malacañang  lalo na ang mga mahihirap.


Giniit din ni Duterte ang babala niya na sa mga taong sangkot sa drugs na “Walang tayong sisihan. Tapos na ko magbigay ng warning.”


“Kaya kayong mga droga, tapos na ako nag-warning ‘nong eleksyon. Kung anong mangyari sa inyo, makinig kayong lahat, baka kapatid mo ‘yan, asawa mo, kaibigan mo, anak mo, ipapasabi ko na sa inyo, walang sisihan. Sinabi ko na sa inyong huminto kayo. Ngayon, pag may mangyari ho sa kanila, ginusto nila ‘yan. Ginusto nila,” sabi ni  Duterte.


“Kung ‘yung asawa mo naman adik, wala naman ginagawa kung hindi kumain ng hindi niya gastos; nagnanakaw, nagho-hold up para sa droga. Hindi kaya mabuti na lang tatapusin na natin ang purgatoryo nila. Tama,?” dagdag ng bagong halal na Pangulo.


[button size="medium" url="" text="Source" target="" color="blue" ] [button size="medium" url="http://www.philstar.com/psn-metro/2016/07/02/1598589/digong-sa-mga-taga-tondo-tiis-tiis-ng-konti" text="philstar" text="philstar" target="" color="green-tosca" ]

Loading...