Sa wakas, hinirang na ni President Rodrigo "Digong" Duterte si Vice President Leni Robredo para maging pangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Sa press conference, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na kinumpirma na ni Robredo ang pagtanggap sa posisyon.
Sabi ni Aguirre, “The Vice President has accepted the offer and she was asked to report for the first Cabinet meeting on Monday". (Tinanggap na ni bise presidente ang offer at sinabihan na siyang mag-report para sa unang gabinteng meeting sa Lunes).
Sa report sabi ni Robredo, “Nagpapasalamat tayo kay Presidente Rodrigo Duterte na itinalaga tayo bilang tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council".
“Mas paglilingkuran natin ang ating mga kababayang walang tahanan at maipagpatuloy natin ang ating pangakong itulak ang kaunlaran at kaginhawaan para sa ating mga kapus palad na kababayan" dagdag ni Robredo.
Sabi ng pangalawang pangulo, ang pagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pabahay ay pangarap ng din ng nasira niyang asawa nasi former Interior Secretary Jesse Robredo.
“Ang pagtugon sa mga pangangailangan sa pabahay ay matagal nang adhikain ni Jesse. Maisasakatuparan ito at mabibiyayaan ang mga nasa laylayan sa pakikipagtulungan ng lahat" sabi ni Robredo.
PANOORIN ANG BUONG ANG BIDYU:
video: inquirer.net
[button size="medium" url="" text="Source" target="" color="blue" ] [button size="medium" url="http://newsinfo.inquirer.net/794898/duterte-appoints-robredo-as-hudcc-chief" text="inquirer" text="inquirer" target="" color="green-tosca" ]