Sunday, 7 August 2016

Arch. Soc Villegas Nagbabala sa Administrasyong Duterte Hinggil saExtra Judicial Killings

Nagbabala si Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP President at Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa Administrasyong Duterte.



Ito’y sa harap na rin ng sunud-sunod na naitatalang kaso ng mga extra judicial killing sa bansa kasabay ng maigting na kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Tanong ni Villegas kung magiging henerasyon na ba ng mga mamamatay tao ang mga Pilipino mula sa henerasyon ng mga sukab sa ilegal na droga.

Gayunman, nilinaw ni Villegas na nagsasalita siya bilang isang pilipino, bilang isang alagad ng simbahan at tagapagtaguyod ng buhay.

READ MORE: Archbishop Villegas Strongly Against Killings & Vigilantism

ALSO WATCH: VIDEO: Socrates Villegas may mensahe sa kumakalat na manananggal sa Pozorrubio, Pangasinan

Kaya naman muling iginiit ng arzobispo sa administrasyon na tigilan na ang mga pagpatay dahil naniniwala siyang hindi ito mabuting halimbawa sa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon.

Source: DWIZ

Loading...