Pinayagan nang magpa sakay ng pasahero ang mga regular taxi sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport.
Kinakailangan nang pahintulutan ng Manila Airport Authority ang mga regular na taxi, kahit may contrata na ang mga accredited airport taxi dahil hindi na naa-accomodate ng mga yellow taxi ang buhos ng mga pasahero ngunit ayon sa Airport Taxi Operators, limampung porsyento ng bilang ng mga pasahero ang mawawala sa kanila at sa bandang huli ay tuluyan ng malulugi ang operasyon ng yellow Taxi.
Bagamat pinayagan na ng MIAA ang mga regular taxi na mag operate sa loob ng NAIA, mas pinili pa rin ng mga pasahero na maghintay ng yellow taxi dahil ayon sa kanila ay mas ligtas daw sila at hindi nagpapadagdag ng bayad ang mga ito.
Dumipensa naman ang ilang operator ng regular taxi.
Ayon sa MIAA, mayroon silang paraan upang maiwasan ang pang aabuso ng ilang taxi driver.
Masaya naman ang mga mananakay sa ginawa ng MIAA.
Ang bagong systema ay alinsunod sa kagustuhan ni Presidente Duterte na mawala ang mahabang pila ng tao at maging ligtas lalo na sa mga terminal sa buong bansa.