Saturday 25 June 2016

Widescreens Ipapakalat sa Davao City ukol sa nalalapit na Inagurasyonni Duterte

Live parin na masasaksihan ng mga Davaoeño ang nalalapit na inagurasyon ni President-elect Rodrigo "Digong" Duterte sa tulong ng mga widescreen monitors sabi ni incoming presidential communications head Martin Andanar.



Sa isang press briefing sa Mandaya Hotel, Davao City, nasabi din ni Andanar na maraming nag boluntaryong magpapahiram ng widescreen monitors sa kanila na pwedeng ilagay sa iba't-ibang parti ng syudad.

Maliban sa widescreens, mismong si Elizabeth Fernandez ng Facebook-Asia ang dumayo sa Davao City  galing Singapore upang makipag transaksiyon sa kampo ni Duterte para sa live streaming na magaganap ngayong June 30.

Dinagdag ni Andanar na sa pamamagitan ng Facebook live streaming mas maraming mga Pilipino ang makakapanuod ng inagurasyon lalo na mayroong humigit kumulang na 50 milyong Facebook user sa buong mundo.

Giniit din niya na may siyam (9) lamang na national broadcasting company ang kanilang pinayagan na pwedeng maka cover para sa nalalapit na inagurasyong ni Duterte ngayong  Huwebes.

Source: brigadanewsdavao

Loading...