Wednesday 29 June 2016

Binay Naiyak sa Huling 'Boodle Fight' Kasama ang kanyang security

Napaiyak ang paalis na Bise presidente Jejomar Binay sa huling boodle fight kasama ang kanilang security detail ng pamilya.

Late ako kahapon pero inabot ko ‘yung nagbibigay ang dad ng certificate of appreciation para dun sa mga tao niya" sabi ni dismissed Makati mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr.

Dagdag ni Junjun, habang nagpapasalamat ang kanyang ama sa mga taong nagbantay sa kanila at  hindi sila iniwan sa anim na taon bigla nalang itong napaiyak habang nagtatalumpati.

Before the boodle fight, nag-speech siya, pero wala pa yatang one minute. Nagpasalamat lang siya tapos naiyak siya. Nag-iyakan ‘yung mga tao, ‘yung mga security, lalo na ‘yung mga babae,” sabi  Junjun.

Matapos nilang paglingkuran si Binay hanggang Hunyo 30, ma-aassign na sila sa panibagong post.

Nung kumakain na, nagkukuwentuhan sila saan maa-assign. Tapos nagpaaalam na 'yung mga officers niya,” dagdag ni Junjun.


[button size="medium" url="" text="Source" target="" color="blue" ] [button size="medium" url="http://www.rappler.com/nation/137993-binay-cries-last-boodle-fight-security-detail" text="rappler" text="rappler" target="" color="green-tosca" ]


 

Loading...